Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 122:1-7 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 122:1-7 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:
4 Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Mga Awit 122 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 122:1-7 in Banal na Bibliya

1 Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.”
2 Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem.
3 Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag.
4 Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh.
5 Doon ang mga pinuno ay nakaupo sa mga trono para sa hatol ng sambahayan ni David.
6 Manalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem! Sila ay giginhawa na nagmamahal sa inyo.
7 Magkaroon nawa ng kapayapaan sa loob ng inyong mga pader at kaginhawahan sa inyong mga tore.
Mga Awit 122 in Banal na Bibliya