Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 119:56-68 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 119:56-68 in Ang Dating Biblia (1905)

56 Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
57 Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
58 Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
59 Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
60 Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
61 Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
62 Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
63 Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
64 Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
65 Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
66 Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
67 Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
68 Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Mga Awit 119 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 119:56-68 in Banal na Bibliya

56 Ito ang naging gawain ko dahil sinunod ko ang mga tagubilin mo. HETH.
57 Si Yahweh ang kabahagi ko; napagpasiyahan kong sundin ang kaniyang mga salita.
58 Buong puso kong hinihiling ang iyong kagandahang-loob; maging mahabagin ka sa akin gaya ng pinangako ng iyong salita.
59 Siniyasat ko ang aking mga pamumuhay at binaling ko ang aking mga paa sa iyong mga utos.
60 Nagmamamadali ako at hindi ipinagpaliban ang pagsunod sa iyong mga kautusan.
61 Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.
62 Bumabangon ako nang hatinggabi para magpasalamat sa iyo dahil sa matuwid mong mga utos.
63 Kasamahan ako ng lahat ng mga nagpaparangal sa iyo, ng lahat ng mga sumusunod sa mga tagubilin mo.
64 Ang mundo, Yahweh, ay puno ng katapatan mo sa tipan; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. TETH
65 Gumawa ka ng kabutihan sa iyong lingkod, Yahweh, sa pamamagitan ng iyong salita.
66 Turuan mo ako ng tamang pagpapasya at pang-unawa, dahil naniniwala ako sa mga kautusan mo.
67 Bago ako nasaktan, naligaw ako, pero ngayon, sumusunod ako sa salita mo.
68 Mabuti ka at ikaw lang ang siyang gumagawa ng kabutihan; ituro mo sa akin ang iyong alituntunin.
Mga Awit 119 in Banal na Bibliya