Text copied!
Bibles in Tagalog

Mga Awit 119:170-173 in Tagalog

Help us?

Mga Awit 119:170-173 in Ang Dating Biblia (1905)

170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
171 Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
172 Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
173 Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
Mga Awit 119 in Ang Dating Biblia (1905)

Mga Awit 119:170-173 in Banal na Bibliya

170 Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
171 Nawa ay magbuhos ng papuri ang aking mga labi, dahil itinuro mo sa akin ang alituntunin mo.
172 Hayaang mong umawit ang aking dila tungkol sa iyong salita, dahil matuwid lahat ng mga kautusan mo.
173 Nawa tulungan ako ng iyong kamay, dahil pinili ko ang mga tagubilin mo.
Mga Awit 119 in Banal na Bibliya