Text copied!
Bibles in Tagalog

Marcos 9:28-31 in Tagalog

Help us?

Marcos 9:28-31 in Ang Dating Biblia (1905)

28 At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?
29 At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
30 At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao'y makaalam niyaon.
31 Sapagka't tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.
Marcos 9 in Ang Dating Biblia (1905)

Marcos 9:28-31 in Banal na Bibliya

28 Nang pumasok si Jesus sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad ng sarilinan. “Bakit hindi namin iyon mapalayas?”
29 Sinabi niya sa kanila, “Ang ganitong uri ay hindi mapapalayas maliban sa pamamagitan ng panalangin.”
30 Umalis sila mula roon at dumaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng kahit sino kung nasaan sila,
31 sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng mga tao, at siya ay papatayin nila. Kung siya ay pinatay na, babangon siyang muli pagkalipas ng tatlong araw.”
Marcos 9 in Banal na Bibliya