Text copied!
Bibles in Tagalog

Lucas 13:8-12 in Tagalog

Help us?

Lucas 13:8-12 in Ang Dating Biblia (1905)

8 At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba:
9 At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwa't kung hindi, ay puputulin mo.
10 At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.
11 At narito, ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan.
12 At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit.
Lucas 13 in Ang Dating Biblia (1905)

Lucas 13:8-12 in Banal na Bibliya

8 Sumagot ang hardinero at sinabi, 'Pabayaan mo muna ito sa taong ito hanggang sa aking mahukayan ang palibot nito at malagyan ito ng pataba.
9 Kung mamunga ito sa susunod na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin mo ito!”'
10 Ngayon, nagtuturo si Jesus sa isa sa mga sinagoga sa Araw ng Pamamahinga.
11 Masdan, may isang babaeng naroon na labing-walong taon nang may masamang espiritu ng panghihina, at siya ay baluktot at hindi siya lubusang makatayo.
12 Nang makita siya ni Jesus, tinawag niya ito at sinabi, “Babae, napalaya ka na mula sa iyong panghihina.”
Lucas 13 in Banal na Bibliya