Text copied!
Bibles in Tagalog

Lucas 12:13-16 in Tagalog

Help us?

Lucas 12:13-16 in Ang Dating Biblia (1905)

13 At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.
14 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo?
15 At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.
16 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:
Lucas 12 in Ang Dating Biblia (1905)

Lucas 12:13-16 in Banal na Bibliya

13 At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
14 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?”
15 At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
16 Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, “Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana,
Lucas 12 in Banal na Bibliya