Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 8:29-35 in Tagalog

Help us?

Levitico 8:29-35 in Ang Dating Biblia (1905)

29 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.
32 At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.
33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.
34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.
35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.
Levitico 8 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 8:29-35 in Banal na Bibliya

29 Kinuha si Moises ang dibdib at itinaas ito bilang isang handog kay Yahweh. Ito ang bahagi ni Moises sa tupang lalaki para sa pantalaga sa pari, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
30 Kumuha si Moises ng kaunting pampahid na langis at dugo na nasa ibabaw ng altar; iwinisik niya ang mga ito kay Aaron, sa kaniyang mga damit, sa kaniyang mga anak na lalaki, at sa mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki. Sa ganitong paraan inihandog niya si Aaron at ang kaniyang mga damit, at kaniyang mga anak na lalaki at ang kanilang mga damit kay Yahweh.
31 Kaya sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, “Pakuluan ninyo ang karne sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at doon kainin ito at ang tinapay na nasa basket ng pagtatalaga, ayon sa aking ipinag-utos, na nagsasabing, 'Sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kakain nito.
32 Kung anuman ang matitira sa karne at sa tinapay dapat mo itong sunugin.
33 At hindidapat kayo lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa loob ng pitong araw, hanggang sa matapos ninyo ang mga araw ng inyong pagtatalaga. Dahil itatalaga kayo ni Yahweh sa loob ng pitong araw.
34 Kung anuman ang nagawa sa araw na ito -Si Yahweh ang nag-utos na gawin para pantubos para sa inyo.
35 Mananatili kayo araw at gabi sa pasukan ng tolda ng pagtitipon sa loob ng pitong araw at susundin ang utos ni Yahweh, para hindi kayo mamatay, dahil ito ang ipinag-utos sa akin.
Levitico 8 in Banal na Bibliya