Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 8:18-28 in Tagalog

Help us?

Levitico 8:18-28 in Ang Dating Biblia (1905)

18 At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.
19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
20 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.
21 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.
23 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
25 At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:
26 At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:
27 At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.
28 At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Levitico 8 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 8:18-28 in Banal na Bibliya

18 Inalay ni Moises ang lalaking tupa para sa handog na susunugin, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
19 Pinatay niya ito at isinaboy ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
20 Hiniwa niya ang lalaking tupa nang pira-piraso at sinunog ang ulo at ang mga piraso at ang taba.
21 Hinugasan niya ang laman loob at ang mga binti sa pamamagitan ng tubig, at kaniyang sinunog ang isang buong lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Ito ay isang handog na susunugin at naglalabas ng mabangong halimuyak, isang paghahandog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh inutos ni Yahweh kay Moises.
22 Pagkatapos iniharap ni Moises ang ibang tupa, ang tupang lalaki ng pagtatalaga, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng ulo ng lalaking tupa.
23 Pinatay ito ni Aaron at kumuha si Moises ng kaunting dugo nito at inilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, sa hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
24 Dinala niya ang mga anak na lalaki ni Aaron, at inilagay niya ang kaunting dugo sa ibabaw ng dulo ng kanilang kanang tainga, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isinaboy ni Moises ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
25 Kinuha niya ang taba, ang taba ng buntot, ang lahat ng taba sa mga laman-loob, ang bumabalot sa atay at ang dalawang bato at ang kanang hita.
26 Mula sa basket ng tinapay na walang na walang pampaalsa at isang nilangisan na tinapay at isang barkilyos, at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng taba at sa kanang hita.
27 Inilagay niya ang lahat ng ito sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki, itinaas ang mga ito bilang isang paghahandog sa harapan ni Yahweh.
28 Kaya kinuha ni Moises ang mga ito mula sa kanilang mga kamay at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng altar para sa mga handog na susunugin. Ang mga ito'y isang handog ng pagtatalaga at naglabas ng mabangong halimuyak. Ito ay isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
Levitico 8 in Banal na Bibliya