15 Ang taong naghahandog ng isang handog para sa kapayapaan para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat ay dapat kainin ang karne na kanyang handog sa araw ng pag-alay. Wala siyang dapat itira na anuman nito hanggang sa susunod na umaga.
16 Ngunit kung ang alay na kaniyang handog ay para sa layunin ng isang panata, o para sa isang layunin ng pagkukusang-loob na handog, kakainin dapat ang karne sa araw na kaniyang ihahandog ang kanyang alay, pero kung anuman ang natira nito ay maaaring kainin kinabukasan.
17 Subalit, kung anumang karne ng alay na natira sa ikatlong araw ay dapat sunugin.
18 Kung anuman sa karne ng alay ng tao na handog para sa kapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin, ni bibigyang pagkilala ang taong naghandog nito. Ito ay magiging isang kasuklam-suklam na bagay, at ang tao na siyang kumain nito ay dadalhin ang pagkakasala ng kaniyang kasalanan.