Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 3:1-2 in Tagalog

Help us?

Levitico 3:1-2 in Ang Dating Biblia (1905)

1 At kung ang kanilang alay ay haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.
2 At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot.
Levitico 3 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 3:1-2 in Banal na Bibliya

1 Kung mag-alay ang isang tao ng isang handog para sa pagtitipon-tipon ng isang hayop mula sa grupo ng mga hayop, maging lalaki o babae, dapat siyang mag-alay ng isang hayop na walang kapintasan sa harapan ni Yahweh.
2 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang handog at papatayin ito sa pintuan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Levitico 3 in Banal na Bibliya