Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 20:5-8 in Tagalog

Help us?

Levitico 20:5-8 in Ang Dating Biblia (1905)

5 Ay itititig ko nga ang aking mukha laban sa taong yaon, at laban sa kaniyang sangbahayan, at ihihiwalay ko sa kanilang bayan, siya at lahat ng manalig na sumunod sa kaniya, na nanalig kay Moloch.
6 At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga mangkukulam, upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban sa taong yaon, at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan.
7 Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
8 At iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
Levitico 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 20:5-8 in Banal na Bibliya

5 sa gayon ako mismo ang haharap laban sa taong iyon at sa kanyang angkan, at tatanggalin ko siya at bawat isa pang gagamitin sa masama ang kanyang sarili para gumanap bilang isang babaeng bayaran kay Molec.
6 Ang isang taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa patay, o sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu para isama ang kanilang sarili ssa kanila, haharap ako laban sa taong iyon; tatanggalin ko siya mula sa kanyang bayan.
7 Kaya ialay ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh at maging banal, dahil ako si Yahweh ang inyong Diyos.
8 Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at isagawa ang mga ito. Ako si Yahweh, na siyang nagtatalaga sa inyo para sa aking sarili.
Levitico 20 in Banal na Bibliya