Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 19:11-20 in Tagalog

Help us?

Levitico 19:11-20 in Ang Dating Biblia (1905)

11 Huwag kayong magnanakaw; ni magdadaya, ni magsisinungaling ang sinoman sa iba.
12 At huwag kayong susumpa ng di totoo sa aking pangalan, na anopa't lapastanganin ninyo ang pangalan ng inyong Dios; ako ang Panginoon.
13 Huwag kayong pipighati sa inyong kapuwa, o magnanakaw man sa kaniya: ang bayad ng isang mag-aaraw ay huwag matitira sa inyo ng buong gabi hanggang sa umaga.
14 Huwag ninyong lalaitin ang bingi, ni maglalagay ng katitisuran sa harap ng bulag, kundi katatakutan ninyo ang inyong Dios: ako ang Panginoon.
15 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol: huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan: kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa.
16 Huwag kayong maghahatid dumapit sa inyong bayan, ni titindig laban sa dugo ng inyong kapuwa: ako ang Panginoon.
17 Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso; tunay na inyong sasawayin ang inyong kapuwa, at huwag kayong magtaglay ng kasalanan dahil sa kaniya.
18 Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.
19 Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba; huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot.
20 At kung ang sinomang lalake ay sumiping sa isang babaing aliping may asawa, na hindi pa natutubos, o hindi pa man nabibigyan ng kalayaan; ay kapuwa parurusahan; hindi sila papatayin, sapagka't siya'y hindi laya.
Levitico 19 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 19:11-20 in Banal na Bibliya

11 Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa.
12 Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
13 Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga.
14 Huwag isumpa ang bingi o lagyan ng isang harang sa harapan ng bulag. Sa halip, dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
15 Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
16 Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.
17 Huwag kamuhian ang inyong kapatid sa inyong puso. Dapat ninyong pagsabihan nang tapat ang inyong kapwa upang hindi kayo magkasala dahil sa kanya.
18 Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
19 Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
20 Ang sinumang sumiping sa isang aliping babae na nakapangako ng ikasal sa isang lalaki, subalit hindi pa natubos o naibigay ang kanyang kalayaan, sila ay dapat maparusahan. Hindi dapat sila ipapatay sapagkat hindi siya malaya.
Levitico 19 in Banal na Bibliya