Text copied!
Bibles in Tagalog

Levitico 15:5-9 in Tagalog

Help us?

Levitico 15:5-9 in Ang Dating Biblia (1905)

5 At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
6 At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
7 At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
8 At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis, ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
9 At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan, ay magiging karumaldumal.
Levitico 15 in Ang Dating Biblia (1905)

Levitico 15:5-9 in Banal na Bibliya

5 Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
6 Sinuman ang umupo sa anumang bagay na inuupuan ng lalaking dinadaluyan ng likidong mayroong impeksyon, dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
7 At sinumang humawak sa katawan ng isang may tumutulong likidong may impeksyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
8 Kapag ang taong mayroong tumutulong likido ay dumura sa sinumang malinis, kung gayon dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
9 Alinmang upuan sa likod ng kabayo na sinakyan ng mayroong isang daloy ay magiging marumi.
Levitico 15 in Banal na Bibliya