Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 9:9-16 in Tagalog

Help us?

JUAN 9:9-16 in Ang Dating Biblia (1905)

9 Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga.
10 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Paano nga ang pagkadilat ng iyong mga mata?
11 Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, Humayo ka sa Siloe, at maghugas ka: kaya't ako'y humayo at naghugas, at ako'y tumanggap ng paningin.
12 At sinabi nila sa kaniya, Saan naroon siya? Sinabi niya, Hindi ko nalalaman.
13 Dinala nila sa mga Fariseo siya na nang una'y bulag.
14 Araw nga ng sabbath nang gumawa ng putik si Jesus, at padilatin ang kaniyang mga mata.
15 Muli ngang tinanong naman siya ng mga Fariseo kung paanong tumanggap siya ng kaniyang paningin. At sinabi niya sa kanila, Nilagyan niya ng putik ang ibabaw ng aking mga mata, at naghugas ako, at ako'y nakakakita.
16 Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath. Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan? At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.
JUAN 9 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 9:9-16 in Banal na Bibliya

9 Sinabi ng ilan, “Siya nga.” Sinabi ng iba, “Hindi, ngunit siya ay kamukha niya.” Ngunit sinasabi niya, “Ako nga iyon.”
10 Sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon paanong nabuksan ang iyong mga mata?”
11 Sumagot siya, “Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at pinahiran ang aking mga mata at sinabi sa akin, “Pumunta ka sa Siloam at maghilamos.' Kaya umalis ako at naghilamos, at nanumbalik ang aking paningin.”
12 Sinabi nila sa kaniya, “Nasaan siya?” sumagot siya, “Hindi ko alam.”
13 Dinala nila ang lalaki na dating bulag sa mga Pariseo.
14 Ngayon iyon ay Araw ng Pamamahinga nang si Jesus ay gumawa ng putik at pinadilat ang kaniyang mga mata.
15 Pagkatapos tinanong siya muli ng mga Pariseo kung paano niya natanggap ang kaniyang paningin. Sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako, at ngayon nakakakita na ako.”
16 Sinabi ng ilang mga Pariseo, “Ang taong ito ay hindi galing sa Dios dahil hindi niya tinutupad ang Araw ng Pamamahinga.” Sinabi ng iba, “Papaanong makakagawa ng ganyang mga pangitain ang isang tao na iyon na makasalanan?” Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang kalagitnaan.
JUAN 9 in Banal na Bibliya