Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 8:49-59 in Tagalog

Help us?

JUAN 8:49-59 in Ang Dating Biblia (1905)

49 Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri.
50 Nguni't hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol.
51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.
52 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.
53 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili?
54 Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios;
55 At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.
59 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.
JUAN 8 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 8:49-59 in Banal na Bibliya

49 Sumagot si Jesus, “Wala akong demonyo; pero pinaparangalan ko ang aking ama, at hindi ninyo ako pinaparangalan.
50 Hindi ko hinahanap ang sarili kong kaluwalhatian; mayroong isang naghahanap at naghahatol.
51 Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan.
52 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.'
53 Hindi ka nakakahigit sa aming amang si Abraham na namatay, hindi ba? Ang mga propeta din ay namatay. Kanino mo hinahalintulad ang iyong sarili?”
54 Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang halaga; ang nagluluwalhati sa akin ay ang aking Ama—na sinasabi ninyo na siya ang inyong Diyos.
55 Hindi niyo siya nakikila, pero kilala ko siya. Kung sasabihin ko, 'Hindi ko siya kilala,' maitutulad ako sa inyo na sinungaling. Subalit, kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita.
56 Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa.”
57 Sabi ng mga Judio sa kanya, “Hindi ka pa limampung taon gulang, at nakita mo na si Abraham?”
58 Sabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si Abraham, ay AKO NGA.”
59 Kaya dumampot sila ng mga bato para batuhin siya ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng templo.
JUAN 8 in Banal na Bibliya