Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 8:35-39 in Tagalog

Help us?

JUAN 8:35-39 in Ang Dating Biblia (1905)

35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.
36 Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.
37 Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.
38 Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama.
39 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
JUAN 8 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 8:35-39 in Banal na Bibliya

35 Ang alipin ay hindi laging nananatili sa tahanan; ang anak ay laging nananatili.
36 Kung gayon, kapag pinalaya na kayo ng Anak, kayo ay tunay ngang malaya.
37 Alam ko na kayo ay kaapu-apuhan ni Abraham; gusto ninyo akong patayin dahil ang aking mga salita ay walang lugar sa inyo.
38 Sinasabi ko ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, at kayo din ginagawa ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa inyong ama.
39 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Ang aming ama ay si Abraham.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawain ni Abraham.
JUAN 8 in Banal na Bibliya