Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 7:46-52 in Tagalog

Help us?

JUAN 7:46-52 in Ang Dating Biblia (1905)

46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.
47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?
48 Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo?
49 Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.
50 Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila),
51 Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa?
52 Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta.
JUAN 7 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 7:46-52 in Banal na Bibliya

46 Sumagot ang mga opisyal, “Walang pang tao ang nagsalita kailanman ng katulad nito.”
47 Kaya sinagot sila ng mga Pariseo, “Kayo ba ay nailigaw na rin?”
48 Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?
49 Ngunit itong maraming tao na hindi alam ang batas—sila ay sinumpa.”
50 Sinabi ni Nicodemo sa kanila, (siya na kabilang sa mga Pariseo na pumunta noong una pa kay Jesus),
51 “Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?”
52 Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea.”
JUAN 7 in Banal na Bibliya