Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 6:46-54 in Tagalog

Help us?

JUAN 6:46-54 in Ang Dating Biblia (1905)

46 Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.
47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.
48 Ako ang tinapay ng kabuhayan.
49 Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.
50 Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.
51 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.
52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?
53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
JUAN 6 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 6:46-54 in Banal na Bibliya

46 Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.
47 Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan.
48 Ako ang tinapay ng buhay.
49 Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay.
50 Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay.
51 Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo.
52 Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?”
53 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
54 Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw.
JUAN 6 in Banal na Bibliya