38isinugo ko kayo upang anihin iyong hindi kayo ang nagpagal. Iba ang nagpagal at kayo mismo ay napabilang sa kanilang pagpapagal.”
39Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa.”
40Nang dumating ang mga Samaritano sa kaniya, nagsumamo sa kaniya na manatili sa kanila, at siya ay nanatili doon ng dalawang araw.
41At marami pa ang nananampalataya dahil sa kaniyang salita.
42Sinasabi nila sa babae, “Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo.”
43Pagkalipas ng dalawang araw na iyon, lumisan siya mula roon patungong Galilea.
44Dahil si Jesus mismo ang nagpahayag na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bansa.
45Nang dumating siya sa Galilea, malugod na tinanggap siya ng mga taga Galilea. Nakita nila ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem at sa kapistahan, dahil sila din ay nagpunta sa kapistahan.
46Ngayon dumating muli siya sa Cana na nasa Galilea, sa lugar na ginawa niyang alak ang tubig. Mayroong isang maharlikang pinuno na ang anak na lalaking nasa Capernaum ay may sakit.
47Nang marinig niya na si Jesus ay dumating sa Galilea mula Judea, pumunta siya kay Jesus at nagsumamo siya upang lumusong at pagalingin ang kaniyang anak, na nasa bingit ng kamatayan.
48At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Maliban na inyong makita ang mga tanda at mga kahanga-hangang mga gawa, hindi kayo maniniwala.”
49Sinabi ng pinuno sa kaniya, “Ginoo, halina't sumama ka na bago mamatay ang aking anak.”
50Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka, mabubuhay ang iyong anak.” Ang lalaki ay naniwala sa salita na sinabi ni Jesus sa kaniya, at tumuloy sa kaniyang landas.
51Habang siya ay bumababa, sinalubong siya ng kaniyang mga lingkod, nagsasabing buhay ang kaniyang anak.
52Kaya nagtanong siya sa kanila kung anong oras siya nagsimulang gumaling. Sumagot sila sa kaniya, “Kahapon ng ala una ay nawala ang kaniyang lagnat.”
53At napagtanto ng ama na iyon din ang oras nang binanggit ni Jesus sa kaniya, “Mabubuhay ang iyong anak.” Kaya siya mismo at ang kaniyang buong sambahayan ay nanampalataya.
54Ito ang pangalawang tanda na ginawa ni Jesus mula nang umalis siya sa Judea patungong Galilea.