28Kaya iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig. Bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao,
29“Halikayo tingnan niyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng aking ginawa. Hindi maaaring maging siya ang Cristo, maaari kaya?”
30Nagsilabasan sila sa bayan, at nagpunta sa kaniya.
31Samantala hinihimuk siya ng mga alagad, sinasabi, “Rabi, kumain ka.”
32Ngunit sinabi niya sa kanila, “Mayroon akong pagkaing kakanin na hindi niyo nalalaman.”
33Kaya sinabi ng mga alagad sa isa't-isa, “Wala namang nagdala sa kaniya ng anumang kakainin, mayroon ba?”
34Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng siyang nagpadala sa akin, at para tapusin ang kaniyang gawa.
35Hindi ba sinasabi ninyo, 'Mayroon pang apat na buwan at pagkatapos darating ang anihan'? Sinasabi ko sa inyo, tingnan ninyo at pagmasdan ang mga kabukiran, dahil ang mga iyon ay hinog na upang anihin!
36Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang.
37Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.'
38isinugo ko kayo upang anihin iyong hindi kayo ang nagpagal. Iba ang nagpagal at kayo mismo ay napabilang sa kanilang pagpapagal.”
39Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa.”
40Nang dumating ang mga Samaritano sa kaniya, nagsumamo sa kaniya na manatili sa kanila, at siya ay nanatili doon ng dalawang araw.
41At marami pa ang nananampalataya dahil sa kaniyang salita.
42Sinasabi nila sa babae, “Kami ay naniwala, hindi lamang dahil sa iyong mga salita, sapagkat napakinggan namin siya sa aming sarili, at alam namin na tunay ngang siya ang tagapagligtas ng mundo.”
43Pagkalipas ng dalawang araw na iyon, lumisan siya mula roon patungong Galilea.
44Dahil si Jesus mismo ang nagpahayag na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bansa.
45Nang dumating siya sa Galilea, malugod na tinanggap siya ng mga taga Galilea. Nakita nila ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem at sa kapistahan, dahil sila din ay nagpunta sa kapistahan.