Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 4:25-30 in Tagalog

Help us?

JUAN 4:25-30 in Ang Dating Biblia (1905)

25 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.
27 At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?
28 Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,
29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?
30 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.
JUAN 4 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 4:25-30 in Banal na Bibliya

25 At sinabi ng babae sa kaniya, “Alam ko na ang Mesias ay darating (ang tinatawag na Cristo). Kapag dumating siya, ihahayag niya ang lahat ng bagay sa amin.”
26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako, na nagsasalita sa iyo, ay siya nga.”
27 At sa sandaling iyon bumalik ang kaniyang mga alagad. Ngayon sila ay nagtataka bakit siya nakikipag-usap sa isang babae. Ngunit walang isa man ang nagsabi, “Ano ang iyong gusto?” o “Bakit ka nakikipag-usap sa kanya?”
28 Kaya iniwan ng babae ang kaniyang sisidlan ng tubig. Bumalik sa bayan, at sinabi sa mga tao,
29 “Halikayo tingnan niyo ang lalaking nagsabi sa akin ng lahat ng aking ginawa. Hindi maaaring maging siya ang Cristo, maaari kaya?”
30 Nagsilabasan sila sa bayan, at nagpunta sa kaniya.
JUAN 4 in Banal na Bibliya