Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 1

JUAN 1:27-50

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas.”
28Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
29Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
30Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'
31Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig.”
32Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya.
33Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
34Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
35Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad
36nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, “Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!”
37Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus.
38At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, “Anung nais ninyo?” Sumagot sila, “Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?”
39Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at tingnan.” At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
40Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
41Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Nakita na namin ang Mesias,” (na sinalin na, 'ang Cristo').
42Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, “Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas” (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
43Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
44Ngayon si Felipe ay galing sa Bethsaida, ang lungsod nila Andres at Pedro.
45Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, “Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”
46Sinabi ni Nathanael, “Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?” Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Halika at tingnan mo.”
47Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, “Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang.”
48Sinabi sa kaniya ni Nataniel, “Papaano mo ako nakikilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.”
49Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!”
50Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito.”

Read JUAN 1JUAN 1
Compare JUAN 1:27-50JUAN 1:27-50