Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 11:30-38 in Tagalog

Help us?

JUAN 11:30-38 in Ang Dating Biblia (1905)

30 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)
31 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.
32 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.
33 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,
34 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.
35 Tumangis si Jesus.
36 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!
37 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?
38 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.
JUAN 11 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 11:30-38 in Banal na Bibliya

30 Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta.
31 At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.
32 Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, “Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
33 Nang makita ni Jesus na siya ay umiiyak at ang mga Judio na kasama niya ay umiiyak din, naghinagpis ang kaniyang espirtu at nabagabag;
34 sinabi niya, “Saan niyo sya inilibing?” Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, pumarito kayo at tingnan.”
35 Si Jesus ay tumangis.
36 Pagkatapos, sinabi ng mga Judio, “Tignan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro!”
37 Pero sinabi ng ilan, “Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?”
38 Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
JUAN 11 in Banal na Bibliya