Text copied!
Bibles in Tagalog

JUAN 11:10-22 in Tagalog

Help us?

JUAN 11:10-22 in Ang Dating Biblia (1905)

10 Nguni't ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.
11 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.
14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.
15 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.
16 Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.
17 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw na siya'y nalilibing.
18 Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio;
19 At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid.
20 Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay.
21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.
22 At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.
JUAN 11 in Ang Dating Biblia (1905)

JUAN 11:10-22 in Banal na Bibliya

10 Gayon pa man, kung siya ay lumalakad sa gabi, siya ay matitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag.
11 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog.”
12 Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling.
13 Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog.
14 Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, “Si Lazaro ay patay na.”
15 Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya.
16 Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus.”
17 Nang dumating si Jesus, nalaman niya na apat na araw ng nasa libingan si Lazaro.
18 Ngayon, malapit ang Bethania sa Jerusalem, mga labinglimang estadio ang layo.
19 Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro.
20 At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay.
21 Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko.
22 Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.”
JUAN 11 in Banal na Bibliya