6At inilabas ko ang inyong mga magulang sa Egipto: at kayo'y naparoon sa dagat; at hinabol ng mga taga Egipto ang inyong mga magulang, ng mga karo at ng mga nangangabayo hanggang sa Dagat na Mapula.
6Inilabas ko ang inyong mga ninuno sa Ehipto, at nakarating kayo sa dagat. Tinugis sila ng mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng mga karwahe at mga mangangabayo hanggang sa kalayuan ng Dagat ng mga Tambo.