Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 15:14-59 in Tagalog

Help us?

Joshua 15:14-59 in Ang Dating Biblia (1905)

14 At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
15 At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
16 At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
17 At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
18 At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
19 At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
20 Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
21 At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
22 At Cina, at Dimona, at Adada,
23 At Cedes, at Asor, at Itnan,
24 At Ziph, at Telem, at Bealoth,
25 At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),
26 Amam, at Sema, at Molada,
27 At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,
28 At Hasar-sual, at Beer-seba, at Bizotia,
29 Baala, at Iim, at Esem,
30 At Eltolad, at Cesil, at Horma,
31 At Siclag, at Madmanna, at Sansana,
32 At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.
33 Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,
34 At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at En-am,
35 Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,
36 At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
37 Senan, at Hadasa, at Migdalgad;
38 At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,
39 Lachis, at Boscat, at Eglon,
40 At Cabon, at Lamas, at Chitlis;
41 At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
42 Libna, at Ether, at Asan,
43 At Jiphta, at Asna, at Nesib,
44 At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
45 Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
46 Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.
47 Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.
48 At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,
49 At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),
50 At Anab, at Estemo, at Anim;
51 At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
52 Arab, at Dumah, at Esan,
53 At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:
54 At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
55 Maon, Carmel, at Ziph, at Juta,
56 At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,
57 Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
58 Halhul, Beth-zur, at Gedor.
59 At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Joshua 15 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 15:14-59 in Banal na Bibliya

14 Pinalayas ni Caleb mula doon ang tatlong lipi ng mga kaapu-apuhan ni Anak: Sesai Aiman at Talmai, mga kaapu-apuhan ni Anak.
15 Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper).
16 Sinabi ni Caleb, “Ang lalaking lulusob sa Kiriat Seper at bibihagin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa ang aking anak na babae bilang isang asawa.”
17 Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz, kapatid na lalaki ni Caleb, ang bumihag dito. Kaya ibinigay ni Caleb sa kanya si Acsa na kaniyang anak na babae bilang isang asawa.
18 Nangyari ito nang pumunta si Acsa sa kaniya, pilit siyang humingi sa kaniyang ama ng isang bukid. At nang bumaba siya sa kaniyang asno, sinabi ni Caleb sa kaniya, “Ano ang nais mo?”
19 Sumagot si Acsa, “Gumawa ka sa akin ng isang natatanging pabor. Yamang ibinigay mo sa akin ang lupain ng Negev, bigyan mo rin ako ng ilang mga bukal ng tubig.” At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mataas na bahagi ng mga bukal at mababang bahagi ng mga bukal.
20 Ito ay ang minana ng lipi ng bayan ng Juda, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
21 Ang mga lungsod na kabilang sa lipi ng Juda na nasa pinaka-timog, patungo sa hangganan ng Edom, ay ang mga Kabzeel, Eder, Jagur,
22 Kina, Dimona, Adada,
23 Kedes, Hazor, Itnan,
24 Zip, Telem, Bealot.
25 Hazor Hadatta, Keriot Hezron (Ito rin ay kilala bilang Hazor),
26 Amam, Sema, Molada,
27 Hazar, Gadda, Hesmon, Beth Pelet,
28 Hazar Sual, Beerseba, Bizotia.
29 Baala, Iyim, Ezem,
30 Eltolad, Cesil, Horma,
31 Siclag, Madmanna, Sansanna,
32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimmon. Ang mga ito ay dalawamput-siyam na mga lungsod lahat, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
33 Sa babang bahagi ng maburol na bansa sa kanluran, naroon ang mga Estaol, Zora, Asna,
34 Sanoa, En Gannim, Tappua, Enam,
35 Jarmut, Adullam, Soco, Azeka,
36 Saaraim, Aditaim, at Gedera (ito ay Gederotaim). Ang mga ito ay labing-apat na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
37 Zenan, Hadasa, Migdalgad,
38 Dilean, Mispa, Jokteel,
39 Lachis, Bozkat, Eglon.
40 Cabbon, Lamam, Citlis,
41 Gederot, Beth Dagon, Naama, Maceda. Ang mga ito ay labing-anim na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
42 Libna, Ether, Asan,
43 Ipta, Asna, Nezib,
44 Keila, Achzib, Maresa, Ang mga ito ay siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
45 Ang Ekron, kasama ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito;
46 mula Ekron hanggang sa Malaking Dagat, lahat ng mga pamayanan na malapit sa Asdod, kasama ang kanilang mga nayon.
47 Ang Asdod, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; Ang Gaza, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; hanggang sa batis ng Ehipto, at sa Malaking Dagat kasama ng dalampasingan nito.
48 Sa kaburulang bansa, Samir, Jattir, Soco,
49 Danna, Kiriat Sanna (ito ay Debir),
50 Anab, Estemo, Anim,
51 Gosen, Holon, at Gilo. Ang mga ito ay labing-isang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
52 Arab, Duma, Esan,
53 Janim, Beth Tappua, Apeka,
54 Humta, Kiriat Arba (ito ay Hebron), at Zior. Ito ang siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
55 Maon, Carmel, Zip, Jutta,
56 Jezreel, Jokdeam, Zanoa,
57 Kain, Gibea, at Timna. Ang mga ito ay sampung mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
58 Halhul, Beth Zur, Gedor,
59 Maarat, Beth Anot, at Eltekon. Ang mga ito ay anim na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Joshua 15 in Banal na Bibliya