Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 13:13-25 in Tagalog

Help us?

Joshua 13:13-25 in Ang Dating Biblia (1905)

13 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya.
15 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.
16 At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;
17 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;
18 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;
19 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;
20 At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;
21 At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.
22 Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.
23 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.
24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.
25 At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;
Joshua 13 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 13:13-25 in Banal na Bibliya

13 Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
15 Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
16 Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
17 Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon,
18 at Jahaz, at Kademot, at Mepaat,
19 at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak.
20 Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot,
21 lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
22 Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila.
23 Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
24 Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan:
25 Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba,
Joshua 13 in Banal na Bibliya