Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 10:27-40 in Tagalog

Help us?

Joshua 10:27-40 in Ang Dating Biblia (1905)

27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
29 At si Josue ay dumaan mula sa Maceda, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Libna, at lumaban sa Libna:
30 At ibinigay rin ng Panginoon, sangpu ng hari niyaon, sa kamay ng Israel; at kaniyang sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwan doon; at kaniyang ginawa sa hari niyaon ang gaya ng kaniyang ginawa sa hari sa Jerico.
31 At dumaan si Josue mula sa Libna, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Lachis, at humantong laban doon, at lumaban doon.
32 At ibinigay ng Panginoon ang Lachis sa kamay ng Israel at kaniyang sinakop sa ikalawang araw, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon, ayon sa lahat na ginawa niya sa Libna.
33 Nang magkagayo'y sumampa si Horam na hari sa Gezer upang tulungan ang Lachis; at sinaktan ni Josue siya at ang kaniyang bayan, hanggang sa walang iniwan siya.
34 At dumaan si Josue mula sa Lachis, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Eglon; at sila'y humantong laban doon, at nakipaglaban doon;
35 At kanilang sinakop nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang lahat na tao na nandoon ay kaniyang lubos na nilipol nang araw na yaon, ayon sa lahat niyang ginawa sa Lachis.
36 At sumampa si Josue mula sa Eglon, at ang buong Israel na kasama niya, hanggang sa Hebron; at sila'y nakipaglaban doon:
37 At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
38 At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:
39 At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
40 Ganito sinaktan ni Josue ang buong lupain, ang lupaing maburol, at ang Timugan, at ang mababang lupain, at ang mga tagudtod, at ang lahat ng hari niyaon; wala siyang iniwang nalabi: kundi kaniyang lubos na nilipol ang lahat na humihinga, gaya ng iniutos ng Panginoon ng Dios ng Israel.
Joshua 10 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 10:27-40 in Banal na Bibliya

27 Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
28 Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
29 Dumaan si Josue at buong Israel mula sa Maceda patungong Libna. Pumunta siya sa labanan sa Libna.
30 Ibinigay din ni Yahweh ito sa kamay ng Israel—kasama ang kanilang hari. Sinalakay ni Josue ang bawat nabubuhay na nilalang sa loob nito gamit ag espada. Wala siyang iniwang nakaligtas na buhay sa loob nito. Ginawa niya sa hari gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
31 Pagkatapos dumaan si Josue at ang buong Israel mula sa Libna patungong Lachish. Nagkampo siya dito at nakipagdigmaan laban dito.
32 Ibinigay ni Yahweh ang Lachish sa kamay ng Israel. Nasakop ni Josue ito ng ikalawang araw. Sinalakay niya gamit ang kaniyang espada bawat nabubuhay na nilalang na nasa loob nito, gaya ng ginawa niya sa Libna.
33 Pagkatapos dumating si Horam, hari ng Gezer para tulungan ang Lachish. Sinalakay siya ni Josue at ang kaniyang hukbo hanggang walang nakaligtas na naiwan.
34 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Lachish patungong Eglon. Nagkampo sila rito at nakipagdigmaan laban dito,
35 at nasakop ito ng parehong araw. Sinalakay nila ito gamit ang espada at tuluyan nilang winasak ang lahat dito, gaya ng ginawa ni Josue sa Lachish.
36 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Eglon patungong Hebron. Nakipagdigmaan sila laban dito.
37 Nasakop nila ito at sinalakay gamit ang espada ang lahat dito, kasama ang hari at ang lahat ng mga nayon na nakapalibot dito. Tuluyan nilang winasak ang bawat buhay na nilalang dito, walang iniwang nakaligtas, gaya ng ginawa ni Josue sa Eglon. Tuluyan niyang winasak ito, at ang bawat buhay na nilalang dito.
38 Pagkatapos bumalik si Josue, at ang buong hukbo ni Israel na kasama niya, at dumaan sila sa Debir at nakipagdigmaan laban dito.
39 Nasakop niya ito at ang hari, at ang lahat ng mga katabing nayon nito. Sinalakay nila ang mga ito gamit ang espada at tuluyang winasak ang bawat nabubuhay na nilalang dito. Hindi nag-iwan ng mga nakaligtas si Josue, gaya ng ginawa niya sa Hebron at ang hari nito, gaya ng ginawa niya sa Libnah at ang hari nito.
40 Nasakop ni Josue ang lahat ng lupain, ang maburol na bansa, ang Negev, ang mga kapatagan, at ang mga mababang burol. Sa lahat ng kanilang mga hari wala siyang iniwang nakaligtas. Tuluyan niyang winasak ang bawat nabubuhay na bagay, gaya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na iniutos.
Joshua 10 in Banal na Bibliya