Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 10:12-18 in Tagalog

Help us?

Joshua 10:12-18 in Ang Dating Biblia (1905)

12 Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
13 At ang araw ay tumigil, at ang buwan ay huminto, Hanggang sa ang bansa ay nakapanghiganti sa kaniyang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasher? At ang araw ay tumigil sa gitna ng langit, at hindi nagmadaling lumubog sa isang buong araw.
14 At hindi nagkaroon ng araw na gaya niyaon bago nangyari yaon o pagkatapos niyaon, na ang Panginoon ay nakinig sa tinig ng tao: sapagka't ipinakipaglaban ng Panginoon ang Israel.
15 At si Josue ay bumalik at ang buong Israel na kasama niya, sa kampamento sa Gilgal.
16 At ang limang haring ito ay tumakas at nagsipagkubli sa yungib sa Maceda.
17 At nasaysay kay Josue, na sinasabi, Ang limang hari ay nasumpungan, na nakatago sa yungib sa Maceda.
18 At sinabi ni Josue, Maggulong kayo ng mga malaking bato sa bunganga ng yungib, at maglagay kayo ng mga lalake roon upang magbantay sa kanila:
Joshua 10 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 10:12-18 in Banal na Bibliya

12 Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
13 Ang araw ay nanatili pa rin, at ang buwan tumigil sa paggalaw hanggang ang bansa ay naghiganti sa kanilang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ni Jashar? Nanatili ang araw sa gitna ng langit; hindi ito bumaba sa isang buong araw.
14 Wala pang nangyari sa anumang araw gaya ng pangyayaring ito dati o pagkatapos nito, nang sinunod ni Yahweh ang salita ng isang tao. Dahil si Yahweh ay nakikipagdigmaan sa kapakanan ng Israel.
15 Si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampo ng Gilgal.
16 Ngayon nakatakas ang limang hari at nagtago sila sa loob ng kuweba sa Maceda.
17 Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!”
18 Sinabi ni Josue, “Igulong ang malaking mga bato sa bukana ng kuweba at maglagay ng mga sundalo roon para bantayan sila.
Joshua 10 in Banal na Bibliya