Text copied!
Bibles in Tagalog

Jeremias 41:13-15 in Tagalog

Help us?

Jeremias 41:13-15 in Ang Dating Biblia (1905)

13 Nangyari nga, nang makita ng buong bayan na kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Carea at ang lahat ng kapitan sa mga kawal na kasama niya, sila nga'y nangatuwa.
14 Sa gayo'y ang buong bayan na dinalang bihag ni Ismael na mula sa Mizpa, ay pumihit at bumalik, at naparoon kay Johanan na anak ni Carea.
15 Nguni't si Ismael na anak ni Nethanias ay tumanan mula kay Johanan na kasama ng walong lalake, at naparoon sa mga anak ni Ammon.
Jeremias 41 in Ang Dating Biblia (1905)

Jeremias 41:13-15 in Banal na Bibliya

13 At nangyari ito nang nakita ng lahat ng mga taong kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya, labis silang natuwa.
14 Kaya ang lahat ng mga taong nabihag ni Ismael sa Mizpa ay bumalik at pumunta kay Johanan na anak ni Karea.
15 Ngunit tumakas si Ismael na anak ni Netanias kasama ang walong kalalakihan mula kay Johanan. Pumunta siya sa mga Ammonita.
Jeremias 41 in Banal na Bibliya