Text copied!
Bibles in Tagalog

Isaias 10:26-30 in Tagalog

Help us?

Isaias 10:26-30 in Ang Dating Biblia (1905)

26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa Madian sa bato ng Oreb: at ang kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa pinahiran.
28 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa Migron; sa Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan:
29 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.
30 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth!
Isaias 10 in Ang Dating Biblia (1905)

Isaias 10:26-30 in Banal na Bibliya

26 At hahampasin sila ni Yahweh ng mga hukbo ng latigo, tulad nang pagtalo niya sa Midian sa bato ng Oreb. Itataas niya ang kaniyang pamalo sa ibabaw ng dagat tulad nang ginawa niya sa Ehipto.
27 Sa araw na iyon, ang mga pabigat ay aalisin sa inyong balikat at ang pamatok ay tatanggalin mula sa inyong mga leeg, at sisirain ang mga pamatok dahil malayo na ang inyong mga leeg mula rito.
28 Tinahak ng mga kalaban ang Migron at dumating sa Aiat, at inilagak ang kanilang mga kagamitan sa Micmas.
29 Tinawid nila ang lambak at gumawa ng kuta sa Geba. Nanginig sa takot ang Ramah at ang Gibea ni Saul ay tumakas.
30 Sumigaw kayo nang malakas, mga dalaga ng Galim! Makinig kayo, Laisa! Kayong mga kaawa-awang Anatot!
Isaias 10 in Banal na Bibliya