Text copied!
Bibles in Tagalog

Deuteronomio 20:15-19 in Tagalog

Help us?

Deuteronomio 20:15-19 in Ang Dating Biblia (1905)

15 Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.
16 Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
17 Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.
18 Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga dios; na anopa't kayo'y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios.
19 Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo?
Deuteronomio 20 in Ang Dating Biblia (1905)

Deuteronomio 20:15-19 in Banal na Bibliya

15 Dapat kayong kumilos sa ganitong paraan tungo sa lahat ng mga lungsod na sadyang malayo mula sa inyo, mga lungsod na hindi nabibilang sa mga lungsod na sumusunod sa mga bansang ito.
16 Sa mga lungsod ng mga taong ito na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana, wala dapat kayong ililigtas ng buhay sa mga humihinga.
17 Sa halip, ganap ninyo silang wasakin: ang Heteo, ang Amoreo, ang Cananeo, ang Perezeo, Heviteo, at ang Jebuseo, tulad ng inutos ni Yahweh na inyong Diyos.
18 Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
19 Kapag sasalakayin ninyo ang isang lungsod sa mahabang panahon, sa pakikipaglaban ninyo dito para makuha ito, hindi ninyo dapat sirain ang mga puno nito sa pagputol gamit ang palakol laban sa kanila. Dahil maaari kayong kumain mula sa mga ito, kaya hindi ninyo dapat sila putulin. Dahil ang puno ba sa bukid ay ang taong dapat ninyong salakayin?
Deuteronomio 20 in Banal na Bibliya