Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 7:2-7 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 7:2-7 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso.
3 Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso.
4 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan.
5 Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang.
6 Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.
7 Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati; at ang suhol ay sumisira ng unawa.
Ang Mangangaral 7 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 7:2-7 in Banal na Bibliya

2 Mas mabuting magtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusan ng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taong nabubuhay pa.
3 Ang kalungkutan ay mas mabuti sa katuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukha sasapit ang kagalakan ng puso.
4 Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa, ngunit ang puso ng mangmang ay nasa bahay nang kasayahan.
5 Mas mabuting makinig sa pagsuway ng matalino kaysa pakinggan ang awit ng mga mangmang.
6 Dahil tulad ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang. Ito man ay usok.
7 Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso.
Ang Mangangaral 7 in Banal na Bibliya