Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 7:16-19 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 7:16-19 in Ang Dating Biblia (1905)

16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?
17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?
18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.
19 Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.
Ang Mangangaral 7 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 7:16-19 in Banal na Bibliya

16 Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
17 Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
18 Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.
19 Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
Ang Mangangaral 7 in Banal na Bibliya