Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 5:18-19 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 5:18-19 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Narito, na aking nakita na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.
19 Bawa't tao rin naman na binigyan ng Dios ng mga kayamanan at mga pag-aari, at binigyan ng kapangyarihan na kumain niyaon, at kumuha ng kaniyang bahagi, at magalak sa kaniyang gawa, ito'y kaloob ng Dios.
Ang Mangangaral 5 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 5:18-19 in Banal na Bibliya

18 Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
19 Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
Ang Mangangaral 5 in Banal na Bibliya