Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 3:6-9 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 3:6-9 in Ang Dating Biblia (1905)

6 Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon;
7 Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita;
8 Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.
9 Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan?
Ang Mangangaral 3 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 3:6-9 in Banal na Bibliya

6 panahon sa paghahanap sa mga bagay at panahon ng paghinto sa paghahanap, panahon ng pag-iingat ng mga bagay at panahon ng pagtatapon ng mga bagay,
7 panahon ng pagpunit ng kasuotan at panahon ng pananahi ng kasuotan, panahon ng pananahimik at panahon ng pagsasalita,
8 panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
9 Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain?
Ang Mangangaral 3 in Banal na Bibliya