Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 2:3 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 2:3 in Ang Dating Biblia (1905)

3 Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.
Ang Mangangaral 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 2:3 in Banal na Bibliya

3 Sinaliksik ko sa aking puso kung paano ko mapagbibigyan ang aking mga pagnanasa sa pag-inom ng alak. Hinayaan kong gabayan ako ng karunungan kahit na pinanghahawakan ko pa rin ang kahangalan. Nais kong malaman kung ano ang makabubuti para sa tao na gawin sa ilalim ng kalangitan sa mga araw ng kanilang mga buhay.
Ang Mangangaral 2 in Banal na Bibliya