Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 2:20-21 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 2:20-21 in Ang Dating Biblia (1905)

20 Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.
21 Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.
Ang Mangangaral 2 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 2:20-21 in Banal na Bibliya

20 Dahil doon nag-umpisang malungkot ang aking puso sa lahat ng paghihirap na aking ginawa sa ilalim ng araw.
21 Sapagkat maaaring may isang taong gumagawa nang may karunungan, may kaalaman, at kahusayan, ngunit iiwan niya ang lahat na mayroon siya sa isang taong walang nagawa sa anuman dito. Ito rin ay usok at isang malaking kapahamakan.
Ang Mangangaral 2 in Banal na Bibliya