Text copied!
Bibles in Tagalog

Ang Mangangaral 10:2-5 in Tagalog

Help us?

Ang Mangangaral 10:2-5 in Ang Dating Biblia (1905)

2 Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.
3 Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.
4 Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.
5 May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
Ang Mangangaral 10 in Ang Dating Biblia (1905)

Ang Mangangaral 10:2-5 in Banal na Bibliya

2 Ang puso ng matalinong tao ay papunta sa kanan, ngunit ang puso ng mangmang ay papunta sa kaliwa.
3 Kapag naglalakad ang mangmang sa lansangan, kulang ang kaniyang pag-iisip, pinatutunayan sa lahat na siya ay mangmang.
4 Kapag ang mga damdamin ng pinuno ay sumiklab laban sa iyo, huwag mong iwan ang gawain mo. Kayang patahimikin ng kahinahunan ang labis na galit.
5 May nakita akong kasamaan sa ilalim ng araw, isang uri ng pagkakamali na nanggagaling sa isang pinuno:
Ang Mangangaral 10 in Banal na Bibliya