Text copied!
Bibles in Tagalog

1 Mga Hari 8:18-32 in Tagalog

Help us?

1 Mga Hari 8:18-32 in Ang Dating Biblia (1905)

18 Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;
19 Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.
20 At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
21 At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.
22 At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit:
23 At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.
24 Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
25 Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
26 Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.
27 Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
28 Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:
29 Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.
30 At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo.
31 Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito:
32 Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran.
1 Mga Hari 8 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Mga Hari 8:18-32 in Banal na Bibliya

18 Pero sinabi ni Yahweh kay David na aking ama, 'ninais ng iyong puso ang gumawa ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti na ito ay nasa iyong puso.
19 Gayon pa man hindi mo itatayo ang tahanan, sa halip, ang iyong anak, ang ipapanganak mula sa iyong laman, ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.'
20 Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat ako ay nagmula sa lugar ni David, na aking ama, at ako ay umupo sa trono ng Israel, gaya ng pinangako ni Yahweh. Ako ay nagtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
21 Naglaan ako ng isang lugar para sa arko doon, na kung saan naroon ang tipan ni Yahweh, na kaniyang pinangako sa ating mga ama nang kaniyang inilabas sila mula sa Ehipto.”
22 Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh, sa harap ang kapulungan ng Israel, at nag-unat ng kaniyang mga kamay sa kalangitan.
23 Kaniyang sinabi, “Yahweh, na Diyos ng Israel, walang diyos ang gaya mo sa itaas ng kalangitaan o sa kailaliman ng mundo, na tumupad ng kaniyang katapatan sa tipan sa iyong mga lingkod na naglalakad kasama mo ng kanilang buong puso;
24 ikaw na tumupad sa iyong lingkod na si David, na aking ama, ng mga pangako mo sa kaniya. Oo, nangusap ka gamit ang iyong bibig at tinupad ito gamit ang iyong kamay, tulad ng sa ngayon.
25 Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, isagawa mo ang iyong ipinangako sa iyong lingkod na si David, na aking ama, noong iyong sinabi, “Hindi ka magkulang na magkaroon ng isang lalaki sa paningin ko na uupo sa trono ng Israel, kung ang iyong kaapu-apuhan ay maingat lamang na lalakad sa aking harapan, gaya ng iyong paglakad sa aking harapan.'
26 Kaya ngayon, Diyos ng Israel, pinapanalangin ko na ang ipinangako mo sa iyong lingkod na si David, aking ama, ay magkatotoo.
27 Ngunit ang Diyos ba ay talagang maninirahan sa mundo? Masdan ito, ang buong sansinukob at kalangitan mismo ay hindi ka kayang ilulan — paano pa kaya ang templo na aking tinayo!
28 Gayon pa man, pakiusap ay ituring mo ang panalanging ito ng iyong lingkod at ang kaniyang hiling, Yahweh aking Diyos; makinig ka sa iyak at panalangin ng iyong lingkod na nananalangin sa harapan mo ngayon.
29 Nawa ang iyong mga mata ay nakatuon patungo sa templong ito sa gabi at araw, sa lugar kung saan ay sinabi mo, 'ang Aking pangalan at aking prisensya ay nandoon' — para marining ang panalangin na ipagdarasal ng iyong lingkod sa lugar na ito.
30 Kaya makinig ka sa hiling ng iyong lingkod at ng iyong bayan ng Israel kapag nanalangin kami sa lugar na ito. Oo, makinig ka mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa mga kalangitan; at kapag ika'y nakinig, ikaw ay magpatawad.
31 Kung may taong nagkasala sa kaniyang kapit-bahay at kailangang manumpa, at kung siya ay dumating at sumumpa sa harap ng iyong dambana sa tahanang ito,
32 makinig ka mula sa kalangitan at kumilos at hatulan ang iyong mga lingkod, hatulan ang masasama, para ibalik ang kaniyang asal sa sarili niyang ulo. At ipahayag na ang matuwid ay walang kasalanan, para mabigyan siya ng karangalan para sa kaniyang katuwiran.
1 Mga Hari 8 in Banal na Bibliya