Text copied!
Bibles in Tagalog

1 Mga Hari 5:12-14 in Tagalog

Help us?

1 Mga Hari 5:12-14 in Ang Dating Biblia (1905)

12 At binigyan ng Panginoon si Salomon ng karunungan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya; at may kapayapaan si Hiram at si Salomon; at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.
13 At ang haring Salomon ay humingi ng mga mang-aatag sa buong Israel; at ang mga mang-aatag ay tatlong pung libong lalake.
14 At kaniyang sinusugo sila sa Libano na sangpu-sangpung libo bawa't buwan na halinhinan: isang buwan ay nasa Libano, at dalawang buwan ay sa bahay: at si Adoniram ay tagapamahala sa mga mang-aatag.
1 Mga Hari 5 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Mga Hari 5:12-14 in Banal na Bibliya

12 Binigyan ni Yahweh si Solomon ng katalinuhan, gaya ng kaniyang ipinangako sa kaniya. May kapayapaan sa pagitan nila Hiram at Solomon, at silang dalawa ay gumawa ng isang tipan.
13 Sapilitang pinagtrabaho ni Haring Solomon ang buong Israel; ang bilang ng sapilitang mga manggagawa ay tatlumpong libong kalalakihan.
14 Sila ay pinadala niya sa Lebanon, sampung libo isang buwan ng halinhinan. Isang buwan sila nasa Lebanon at dalawang buwan sa kanilang tahanan. Si Adoniram ang namahala sa mga pinilit na manggagawa.
1 Mga Hari 5 in Banal na Bibliya