Text copied!
Bibles in Tagalog

1 Mga Hari 22:43-47 in Tagalog

Help us?

1 Mga Hari 22:43-47 in Ang Dating Biblia (1905)

43 At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
44 At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.
45 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
46 At ang nangalabi sa mga sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.
47 At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari.
1 Mga Hari 22 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Mga Hari 22:43-47 in Banal na Bibliya

43 Lumakad siya sa kaparaanan ni Asa, kaniyang ama; hindi niya sila tinalikuran; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh. Gayunman, ang mga dambana ay hindi parin inalis. Patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso ang mga tao sa mga dambana.
44 Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
45 Para sa ibang bagay na ukol kay Jehoshafat, at ang kalakasan na kaniyang ipinakita, at kung paano niya pinagtagumpayan ang digmaan, hindi ba ang mga ito ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
46 Inalis niya mula sa lupain ang mga natirang mga lalaki at babaeng bayaran sa sagradong lugar na nanatili sa mga araw ng kaniya Amang si Asa.
47 Walang hari sa Edom, pero isang pumapangalawa ang namuno doon.
1 Mga Hari 22 in Banal na Bibliya