Text copied!
Bibles in Tagalog

1 Mga Hari 21:9-10 in Tagalog

Help us?

1 Mga Hari 21:9-10 in Ang Dating Biblia (1905)

9 At kaniyang isinulat sa mga sulat, na sinasabi, Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan:
10 At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya, at mangagsisaksi laban sa kaniya, na magsipagsabi, Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari. At ilabas nga siya, at batuhin siya upang siya'y mamatay.
1 Mga Hari 21 in Ang Dating Biblia (1905)

1 Mga Hari 21:9-10 in Banal na Bibliya

9 Kaniyang isinulat sa liham, “Maghayag ng isang pag-aayuno at iupo si Nabot ng mataas sa mga tao.
10 Maglagay ng dalawang lalaking hindi tapat kasama niya at hayaan silang tumestigo laban sa kaniya, na magsasabing, 'Sinumpa mo ang Diyos at ang hari.'” At ilabas ninyo siya at pagbabatuhin hanggang mamatay.
1 Mga Hari 21 in Banal na Bibliya