Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Awit

Mga Awit 82

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
2Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah)
3Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili.
4Sagipin mo ang dukha at mapagkailangan: iligtas ninyo sila sa kamay ng masama,
5Hindi nila nalalaman, ni nauunawa man; sila'y nagsisilakad na paroo't parito sa kadiliman: lahat ng patibayan ng lupa ay nangakilos.
6Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
7Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.
8Bumangon ka, O Dios, hatulan mo ang lupa: sapagka't iyong mamanahin ang lahat ng mga bansa.