Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 4

Mga Taga-Roma 4:5-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa na sa halip ay sumasampalataya sa kaniya na nagpapawalang-sala sa mga masasama, maibibilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
6Nagpahayag din si David ng pagpapala sa taong ibinilang ng Diyos na matuwid na walang gawa.
7Sinabi niya, “Pinagpala ang mga pinatawad sa kanilang mga katampalasanan, at ang mga taong natakpan ang mga kasalanan.
8Pinagpala ang tao na hindi bibilangin ng Panginoon ang kaniyang kasalanan.”
9Kung gayon, ang pagpapalang ito ba ay inihayag sa mga taong tuli lamang, o pati na rin sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin, “Ang pananampalataya ay naibilang kay Abraham na katuwiran.”
10Kaya nga, paano ito naibilang? Nang si Abraham ba ay tinuli na o hindi pa? Hindi sa pagtutuli, kundi sa hindi pagtutuli.

Read Mga Taga-Roma 4Mga Taga-Roma 4
Compare Mga Taga-Roma 4:5-10Mga Taga-Roma 4:5-10