Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 16

Mga Taga-Roma 16:3-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Batiin ninyo sina Prisca at Aquila, na mga kapwa ko manggagawa kay Cristo Jesus,
4na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay para sa aking buhay. Nagpapasalamat ako sa kanila, at hindi lamang ako, kundi pati na rin ang lahat ng mga iglesiya ng mga Gentil.
5Batiin ninyo ang iglesiya na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na aking minamahal, na siyang kauna-unahang bunga ng Asia kay Cristo.
6Batiin ninyo si Maria na naglingkod ng lubos para sa inyo.
7Batiin ninyo sina Andronico at Junia, na aking mga kamag-anak, at kasamahan kong mga bilanggo. Kilala sila sa mga apostol, na nauna pang nakakilala kay Cristo kaysa sa akin.
8Batiin ninyo si Ampliato, na aking minamahal sa Panginoon.
9Batiin ninyo si Urbano, na ating kapwa manggagawa kay Cristo, at ang minamahal kong si Staquis.
10Batiin ninyo si Apeles, na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Aristobulo.
11Batiin ninyo si Herodion, na aking kamag-anak. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Narciso, na nasa Panginoon.
12Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, na naglingkod nang lubos sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na naglingkod nang labis sa Panginoon.
13Batiin ninyo si Rufo, na pinili ng Panginoon, at ang kaniyang ina at ina ko rin.

Read Mga Taga-Roma 16Mga Taga-Roma 16
Compare Mga Taga-Roma 16:3-13Mga Taga-Roma 16:3-13