Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 11

Mga Taga-Roma 11:12-34

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Ngayon kung ang kanilang pagkabigo ay ang kayamanan ng mundo, at kung ang kanilang pagkalugi ay ang kayamanan ng mga Gentil, gaano pa mas dakila ang kanilang kapunuan?
13At ngayon kinakausap ko kayong mga Gentil. Habang ako ay isang apostol sa mga Gentil, ipinagmamalaki ko ang aking ministeryo.
14Marahil mainggit ko sila na aking kalaman. Marahil maliligtas natin ang ilan sa kanila.
15Sapagkat kung ang pagkatakwil sa kanila ay ang pakikipagkasundo ng mundo, ano ang magiging pagtanggap sa kanila kundi buhay mula sa mga patay?
16Kung ang mga unang bunga ay nailaan, gayon din ang buong masa. Kung ang mga ugat ay nailaan, gayon din ang mga sanga.
17Ngunit kung ang ilan sa mga sanga ay binali, kung ikaw, na isang ligaw na sanga ng olibo, ay naidugtung sa kanila, at kung nakibahagi ka sa kanila sa kasaganaan ng ugat ng puno ng olibo,
18huwag kang magmayabang sa mga sanga. Ngunit kung ikaw ay nagmamayabang, hindi ikaw ang bumubuhay sa ugat, ngunit ang ugat ang bumubuhay sa iyo.
19Kung gayon, sasabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang maidugtong ako.”
20Totoo iyan. Dahil sa kanilang hindi pagsampalataya, pinutol sila, ngunit ikaw ay naging matatag dahil sa iyong pananampalataya. Huwag kang magmalaki, ngunit matakot ka.
21Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang likas na mga sanga, hindi ka rin niya patatawarin.
22Tingnan ninyo kung gayon, ang mga mabubuting gawa at ang kabagsikan ng Diyos. Sa isang dako, ang kalupitan ay dumating sa mga Judio na bumagsak. Ngunit sa kabilang dako, ang kabutihan ng Diyos ay dumarating sa inyo, kung magpapatuloy kayo sa kaniyang kabutihan. Kung hindi, mapuputol din kayo.
23At isa pa, kung hindi sila magpatuloy sa kanilang kawalan ng pananampalataya, sila ay maidudugtong muli. Sapagkat maaari silang idugtong ulit ng Diyos.
24Sapagkat kung kayo ay pinutol sa likas na ligaw na puno ng olibo, at salungat sa kalikasan ay idinugtong kayo sa mabuting puno ng olibo, gaano pa kaya ang mga Judiong ito, na likas na mga sanga, na maidudugtong pabalik sa kanilang sariling punong olibo?
25Sapagkat hindi ko nais na hindi ninyo alam, mga kapatid, ang hiwagang ito, upang hindi kayo magmarunong sa inyong sariling isipan. Ang hiwagang ito ay nagkaroon sa Israel ng bahagyang katigasan, hanggang sa makapasok ang kabuuan ng mga Gentil.
26Kaya ang lahat ng Israel ay maliligtas, gaya ito ng nasusulat: “Mula sa Sion manggagaling ang Tagapagligtas. Tatanggalin niya ang kasamaan mula kay Jacob.
27At ito ang magiging kasunduan ko sa kanila, kapag tinanggal ko ang kanilang mga kasalanan.”
28Sa isang dako, patungkol sa ebanghelyo, sila ay kinamuhian dahil sa inyo. Sa kabilang dako ayon naman sa pagpili ng Diyos, sila ay minamahal dahil sa mga ninuno.
29Sapagkat ang mga kaloob at ang tawag ng Diyos ay hindi mababago.
30Sapagkat kayo ay dating hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon kayo ay nakatanggap ng awa dahil sa kanilang hindi pagsunod.
31Gayon din naman, ngayon ang mga Judiong ito ay naging suwail. Ang kinahinatnan nito, sa pamamagitan ng awa na ipinakita sa inyo, makatatanggap din sila ngayon ng awa.
32Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat.
33O, napakayaman ng Diyos sa karunungan at kaalaman! Hindi masuri ang kaniyang mga hatol, at ang kaniyang mga kaparaanan ay hindi kayang matuklasan!
34“Sapagkat sino ang nakakaalam ng isipan ng Panginoon? O sino ang naging tagapayo niya?

Read Mga Taga-Roma 11Mga Taga-Roma 11
Compare Mga Taga-Roma 11:12-34Mga Taga-Roma 11:12-34