Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 9

Mga Kawikaan 9:8-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8Huwag sawayin ang mangungutya, o kamumuhian ka niya; magtuwid ng matalinong tao, at mamahalin ka niya.
9Magbigay ng gabay sa matalinong tao, at siya ay magiging mas matalino; turuan ang matuwid na tao, at dadagdag ang kaniyang pagkatuto.
10Ang takot kay Yahweh ang simula ng karunungan, at ang kaalaman sa Isang Banal ay kaunawaan.
11Dahil sa pamamagitan ko ang mga araw mo ay dadami, at dadagdag ang taon ng buhay mo.
12Kung matalino ka, matalino ka para sa sarili mo, pero kung mangungutya ka, dadalhin mo ito nang mag-isa.”
13Ang isang mangmang na babae ay maingay— hindi siya naturuan at wala siyang alam.
14Nauupo siya sa pinto ng bahay niya, sa upuan ng pinakamataas na lugar ng bayan.
15Tinatawag niya ang mga taong dumadaan, ang mga taong naglalakad ng tuwid sa kanilang daan.
16“Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito” sinasabi niya doon sa mga walang alam.
17“Ang ninakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinain ng palihim ay kaaya-aya.”

Read Mga Kawikaan 9Mga Kawikaan 9
Compare Mga Kawikaan 9:8-17Mga Kawikaan 9:8-17