Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 8

Mga Kawikaan 8:4-13

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Mga mamamayan, tinatawag ko kayo at itinataas ko ang aking tinig sa mga anak ng sangkatauhan.
5Kayong mga hindi naturuan, dapat ninyong maintindihan ang katalinuhan at kayong kinasusuklaman ang kaalaman, kayo ay dapat magkaroon ng isang maunawaing puso.
6Makinig kayo at magsasalita ako ng mga mararangal na bagay at kapag bumuka ang aking mga bibig ay sasabihin ko kung ano ang tama—
7dahil ang aking bibig ay nagsasalita kung ano ang mapagkakatiwalan, at ang aking mga labi ay napopoot sa kasamaan.
8Lahat ng mga salita sa aking bibig ay makatarungan; walang baluktot at nakaliligaw sa kanila.
9Ang lahat ng aking mga salita ay matuwid para sa nakakaunawa; ang mga salita ko ay matuwid sa mga nakatatagpo ng kaalaman.
10Piliin ninyo ang aking katuruan kaysa sa pilak at kaalaman kaysa purong ginto.
11Dahil ako, ang Karunungan, ay mas mabuti kaysa sa mga hiyas; wala sa inyong ninanais ang maaaring maihalintulad sa akin.
12Ako, ang Karunungan, ay namumuhay nang may Kabaitan, at aking taglay ang kaalaman at kahinahunan.
13Ang pagkatakot kay Yahweh ay para kapootan ang kasamaan — kinapopootan ko ang pagmamataas at kayabangan, ang masamang paraan, at malaswang pananalita — kinapopootan ko sila.

Read Mga Kawikaan 8Mga Kawikaan 8
Compare Mga Kawikaan 8:4-13Mga Kawikaan 8:4-13