Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Kawikaan - Mga Kawikaan 8

Mga Kawikaan 8:3-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
4Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag; at ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.
5Oh kayong mga musmos, magsiunawa kayo ng katalinuhan; at, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso.
6Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga marilag na bagay; at ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,
7Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan; at kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
8Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila.
9Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
12Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.
13Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.
14Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.

Read Mga Kawikaan 8Mga Kawikaan 8
Compare Mga Kawikaan 8:3-15Mga Kawikaan 8:3-15